Informative blogs. Informative facts. Informative everything.

▼
Wednesday, March 7, 2018
Di mo man lang napansin
Alas syete na. Gabi na. Di pa kaya nagsisimula? Patay, maghihilamos pa ako pagkatapos kong bumili ng bagong tsinelas at pabango, mahirap na baka mapahiya tayo. Di ko pa nga nalabhan yung bagong damit na isusuot ko.
Tas pag uwi ko, pulot agad ng asus ko sabay chat na "Crish? Sinong kasama mo? San kayo banda? Okay nakakahiya pero pipilitin ko. Papunta na ako." Tas nakita ko kayo, nakita kita, kahit naka sumbrero ka brad shet, ganda mo parin talaga. Kung nasa lugar lang ako? Papagalitan kita, bat ka nagsuot ng fitting na pantalon? Kita tuloy hulma ng katawan mo! Bat maikli yang blouse mo? Kita hulma ng dibdib mo oh! Bat ka maganda? Di mo ba naisip na ngayong gabi madaming tititig sayo!? Pero puta char lang. Walang tayo.
Pero nangangawit na binti ko kakatayo. Di pa ba tayo uupo? Kaya lang tingin ko naaaliw ka ng sobra. Kaya hinayaan ko nalang talaga. Naiihi na ako , "Crish, jingle muna ako." Tas nag retouch ako dun sa malayo. Inayos ko yung porma ko sabay spray ng aficionado. Paglapit ko sabi ni Mar "Uy ang bango." Pero pag tingin ko sayo nakatakip ka ng ilong mo. Shet wrong choice ba ako? Sana nga F35 yung pinili ko.
Pero di bale, bastat katabi kitang nakatayo okay na ako.
Kahit nakakapagod ng tumayo, basta pagod ka rin , okay na ako.
Kahit halatang ayaw mo akong lapitan, okay lang basta't magkalapit lang tayo ng lupang tinatayuan.
Ayan, nagugutom na si ganda. Pag nag gala kasi, dapat kain muna! O sya-sya sa food court tayo punta.
Ako naghanap ng bangko at lamesa , kayo nandun sa meh barbikyu nakapila. Tas nawala kayo bigla tas umorder na akong maraming barbi kyu tas napaluto ko na tas paglapit mo taena ka? Bumili ka lang nang isang borger, isang pecho at rice dalawa? Kala ko nagkaintindihan tayo? Shet kala ko nagpaluto ka din ng barbikyu kaya di ko na pinasobra!
Tas yun naluto na yung bbq, tas paghatid ko sa lamesa, yung dalwang rice mo ubos na. Paghatid ko sa tatlong rice kinuha mo yung isa, tas may pahiya-hiya ka pa? Eh apat na rice naubos mo ehh apat! Kwarenta!
Pero inpernes ha, ganito pala piling pag sa kainan katabi ka. Di ko mainwasang makiliti kasi sa bawat nguya mo ay nadidinig kita. Sa bawat kagat mo sa kutsara dinig ko. Di ko maiwasang sumaya. Di ko rin maiwasang mangamba, mangamba na baka ang panahong to ay matapos bigla, mangamba na mabusog at tumigil ka sa pagkain bigla. Na mabilaukan kat tumigil ng bigla. Na pagkatapos mong kumain ay aalis ka nalang sa tabi ko ng bigla. Sana dinamihan ko pa yung rice mo para di ka tumigil ng bigla. Di bale na, basta nalibre kita kahit ilang araw na akong naghihinagpis mula nung sinabi mong "Vic kaibigan lang kita."
Pero di bale na. Ang importante sa oras nato masaya ako at... excited ka? Lumabas na kasi si Jason D. Na lumamang lang nang isang ligo kay Jayson C. (Cosadio). Tapos kinilig ka ng todo, kasi kahit naman ako, di ko matanggi, aba lodi kagwapo! Sa bawat pagpiyok ng boses nya parang kinikiliti ka, sa bawat ngiti nya parang hihimatayin ka. Sa bawat ngiti niya, ngumingiti ka. At sa bawat ngiti mo, tinitingnan kita.
Ako yung kawawa, wala akong magawa, di kita pwedeng sabihan na "Mahal, gumagabi na."
Sa bawat ngiti mo ako yung kawawa, kasi lahat ng bagay na nakakaaliw sa iyo, ika'y ngumingiti.
Sa bawat ngiti mo ako yung kawawa, kasi di ko nagawang pangitiin ka noong tayo ay magkaayos pa.
Sa bawat ngiti mo akoy naiiyak, naiisip ko kasi ang pag ibig mong hindi tiyak.
Sa gabing to ako ang kawawa, atensyon mo nga di mo maibigay, oras pa kaya?
Kahit di mo ako kausapin okay lang, gets ko naman, ikaw ay naiilang.
Sana ba di na ako pumunta?
Sana ba di na ako nagpakita?
Sana ba di na ako sayo sumabay ng tawa?
Sana ba umalis nalang ako ng sinabi mong " Pagod ka na, umuwi ka na."
Hindi naman talaga ako inantok ehh, nawalan lang talaga ako ng pag-asa.
Ayoko pang umuwi, kahit masakit, sasabayan kita.
Kahit sa paglakad okay na akong nasa likod mo kasi ayaw mo akong katabi. Baka may makakita sa atin at tuluyan kang mandiri.
Sa pagsakay niyo, tiningnan ko kayo.
1/2